P2K NA SAHOD BUWAN BUWAN PARA SA MGA NANAY

DALAWANG TAO, NALAPNOS ANG MGA MUKHA DAHIL SA NABILI ONLINE NA PANGTANGGAL NG BARA SA LABABO?!
“Bumili ‘yung asawa ko ng pangtanggal ng bara sa lababo at CR.
Binasa ko ‘yung instructions. Ang sabi, maglagay ng 1000mL boiling water sa drainage, tapos i-apply ‘yung produkto sa butas.
Habang nilalagay ko ‘yung product doon sa butas, kumulo siya, tapos bigla na lang pumutok!
Tumumba ako! ‘Yung mga chemical, tumalsik na sa katawan ko.
Sobrang sakit. Feeling ko mamamatay na ako!
‘Yung mga mata ko, hindi ko na madilat. Nawalan ako ng paningin.
Hindi ko aakalain na dahil lang sa pantanggal bara sa lababo mabubulag ako!
-Libralyn
“Barado kasi ‘yung lababo namin. Hindi bumababa ‘yung tubig kapag naglalaba o naghuhugas ng pinggan. Nag-search ako ng online kung ano puwede gamitin. Maganda naman ang reviews online. Nahikayat akong bumili.
Binasa ko ‘yung instructions, ang sabi, pour 1000 mL of boiling water tapos i-pour daw ‘yung powder.
Sinunod ko. Pagsalin ko ng powder, biglang sumabog na siya!
Nasabugan ang kamay, braso, mukha at mga mata ko!
Biglang hindi na ako nakakita!
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyari sa akin. Kaya gusto kong balaan ‘yung mga tao na mag-ingat sa mga bibilhing produkto!”
-Rome
#KMJS
Comments
Post a Comment